Paano magkaron ng magandang relasyon sa kamag anak o kaibigan

Sa aking mga karanasan at obserbasyon, maraming mga tao sa mundo ang di nagkaka-unawaan maging ang mga ibat-ibang bansa hanggang sa humantong sa digmaan dahilan sa kanya-kanyang pananaw at mga gusto.

Ihambing natin sa maliit na sektor ng lipunan ang pamilya at kamag-anak. Bakit maraming mga pagkakataon na nagkakaroon ng di mga pagkakaunawaan at mga ingitan sa loob ng pamilya o mga kamag-anak. Sa aking pananaw dahil siguro sa ugaling Pilipino  na mayabang, mainggitin at pagiging sakim. Pasensya po  wala kasi akong alam na salitang angkop na tawag. Sakit na ng maraming Pinoy na kapag umaangat ang buhay ng kanyang kamag-anak ay umiiral ang inggit na nagre-resulta sa paninirang puri sa kamag-anak o pagkakalat ng mga kung anu-anong kasiraan sa kamag-anak sabi nga nila tsismis.

Bakit kaya tayong mga Pilipino di naman lahat, ay di maging masaya sa magandang nangyayari sa buhay ng kangyang kapamilya o kamag-anak. Sa halip na maging masaya o magtulungan ay puros kasiraan ng kapamilya ang iniisip. Para bang ang gusto nila sila lang ang nasa itaas ang magaling at pinupuri ng tao. Meron kasabihan na  “The more you talk the more you get in trouble”.

Ang ibig kong sabihin sa quote na yan ay kapag madalas kayong nagkakaroon ng pag-uusap ng kapamilya o kamag-anak ay dun madalas pumapasok ang mga tsismisan o kasiraan na kahit wala naman saysay ang mga pag-uusap hanggang sa pag-usapan na ang buhay ng iba. Sa aming mga magkakapatid di kami madalas makapag-usap dahil magkakalayo din kami ng mga lugar pero nandyan naman ang phone, internet, etc. na pwede naman namin gawin na madalas makapag-usap kung gugustuhin namin.  Pero di man kami madalas makapag-usap, siguro minsan inaabot pa ng taon na di kami nagkaka-usap, patuloy naman ang magandang relasyon namin magkakapatid. Nandyan ang pagtutulugan o pagdadamayan. Di naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko pero yun ang nararanasan ko at nararamdaman ko sa kanila sa tuwing kami nakakapag-usap.

Sa tingin ko, Sa pamilya, kamag-anak, o kaibigan man, upang maging maganda ang relasyon nyo sa isat–isa ay dapat walang inggitan, dapat nagtutulungan, at pinag-uusapan ang problema hindi ikinakalat sa ibang tao na di kakilala kasi at the end of the day pamilya pa din ang tutulong sa yo at magmamalasakit.

Lahat ng nakasulat sa itaas ay sariling ko pong opinyon base sa aking mga naging karanasan at pananaw.

 

Leave a Comment