Hoy! yabang mo!

Kumusta? Anong ginagawa mo? Ok ka lang ba? Mga katagang lagi natin sinasabi sa isang kakilala o kaibigan sa tuwing makikita natin. Simple lang tayong mga Pinoy sabi nga nila mababaw ang kaligayahan, walang arte sa katawan at madaling makontento. Yun ay kung totoong Pinoy ka. Pero sa panahon ngayon sa aking tantiya, marami ng malaking pagbabago sa mga ugaling Pinoy ngayon kumpara noon. Maraming Pinoy ngayon di ko naman nilalahat ay nagkaron lang ng konting ginhawa sa buhay, kung umasta kung sino na. Sa pagkilos, sa pagsasalita ay para bagang di na alam kung saan sya nanggaling dati. Maraming mga Pinoy na nakapag-abroad lang eh akala mo kung sino na, na parang nawala na yung dating pag-uugali. Kapag umuuwi sa bansa eh ang hahangin na kala mo Doktor ang trabaho sa ibang bansa at makapag kwento ay ganun na lang pero marami naman sa kanila ay mababang posisyon ng trabaho.

Hindi kaya mas maganda kung sakaling umayon sa ‘tin ang tadhana at medyo gumanda ang ating pamumuhay eh, imbes na magyabang tayo, eh mas maganda na lang siguro ang magpakumbaba at tumulong tayo sa mga nangangailangan. Tandaan po natin bilog ang mundo hindi po lagi tayo ang nasa taas kaya dapat magpakumbaba anuman dumating na estado sa ating buhay. Mas kahanga-hanga ang isang tao na may sinabi sa buhay pero nakatapak pa din sa lupa kaysa sa nagkaron lang ng konti eh, abot langit ang hangin sa buhay Hoy! Vice nakikinig ka ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *