PhilHealth no health

Kumusta po kabayan? sabi nga kapag may usok may sunog…ito po ay kasabihang na laging nangyayari personal man o pangkalahatan. Ito pong departamento ng gobyerno na dapat sana nakakatulong ng malaki sa mga mahihirap nating kababayan ay isa pa lang tiwaling sanghay ng pamahalaan. Sa ngayon habang sinusulat ko po ito ay kasalukuyang ini-imbestigahan ang departamento sanhi ng malawakang katiwalian ng mga nasa matataas na posisyon ng PhilHealth. Sa tingin ko po noon pa di lang sa panahon ni tatay Digong nangyayari ang ganitong katiwaliaan at nakakalusot lamang dahil walang sumisingaw na usok.

Kabayan ano po sa tingin nyo dapat gawin dito sa Philhealth? dapat na po bang buwagin o palitan lahat ng mga nasa matataas na posisyon at parusahan ang mga nagkasala? Magbigay po kayo ng suhestiyon kung ano sa tingin nyo ang dapat at baka sakaling makarating ito sa kinauukulan.

Hoy! mahiya kayo sa mga sarili nyo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *