Tama lang ba na di bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN?

In the service of the Filipino….

Sa panahon ngayon na walang katiyakan ang mundo dahil sa laganap na pandemya at kawalan ng pagkakakitaan ng tao, ay sumabay pa itong problema ng isang giant network ang ABS-CBN. Kung susuriin natin mabuti ang naging epekto sa mga Filipino ng nangyaring ito sa network ay hindi maganda unang una sa mga taong nagta-trabaho sa loob ng kumpanya na umaasa sa kanilang kinikita kasama na ang kanilang mga pamilya. Di lang yon pati na rin ang mga taong nasa paligid ng kumpanya na kumikita din dahil sa mga empleyado na tumatangkilik sa kanilang mga maliit na negosyo.

Tama po ang mga naging malaking epekto nito sa mga tao lalu na sa mga umaasa sa kumpanya subalit dahilan po ba iyon para bigyan ng prangkisa ang kumpanya kung may nakikitang mga paglabag na ginagawa sa loob? Ihalintulad po natin sa isang ama na nakagawa ng kasalanan sa batas. Tama po ba na wag na natin parusahan ang ama dahil may mga anak na magiging kawawa o pamilyang umaasa sa kanya? Dapat po ba may exemption sa batas? Sa aking palagay, dapat tinitignan din natin ang magkabilang panig para magkaron tayo ng tamang pagtingin sa batas. Dapat igalang natin ang batas na kapag sa tingin natin di aayon sa atin ang desisyon ay magwawala tayo sa labas para humingi ng simpatiya sa taong-bayan. Bakit di po natin daanin sa tahimik na proseso at hintayin na lang natin and desisyon ng Supreme court sa inyong apela.

Kayo po ano sa tingin nyo ang ginagawa ng ABS-CBN ngayon tama po ba o hindi?

2 thoughts on “Tama lang ba na di bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN?

  1. Yes, they shouldn’t disobey the Philippine Law. Doon pa lang sa pag gamit ng American citizenship paglabag na yon sa batas tungkol sa network dahil hindi pwede ang ganun. Ginawa ang batas na yon dahil sa ibang lahi kung nagaway ang bansa ay kailangang mamili ng citizenship. AT HINDI PWEDENG DALAWA ANG CITIZENSHIP. Back to main topic, though maraming mawawalan ng trabaho kailangan pa rin nilang tanggapin iyon. Dapat umpisa pa lang alam na nila ang batas tungkol sa network.

    1. Tama Kyla, napakaraming paglabag ang nakita ng kongreso kaya mahirap sa kanila para bigyan ulit ng bagong prangkisa. Napaka-bias nitong network na to’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *