Try mo nga i-translate sa English

Kumakalam na tyan,

Bulsang walang laman!

Face mask at alcohol gaano kahalaga kung pandesal at itlog hindi ko makaya?

Pagal na katawan

Bills  kaliwa’t kanan

Paano mo pipigilan ang nais kong lumabas at makipaghabulan sa virus na wala daw akong laban kung si meralco, nawasa at iba pa nagtatangkang mang- iwan ?

 

Lutang na isipan

Anxiety na ba ‘yan?

Saan tatakbo?

Sino ang makatutulong?

Kung lahat sa paligid mo iisa ang tanong, iisa ang danas.

isang taon na,

Miss ko na ang dati.

Miss ko na ang no-social distancing,

Miss ko na ang abnormal na ako.

Isang taon na

Covid alam mo ba kung ano ang idinulot mo?

#sharingmythoughts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *